Iisa Pa Lamang Lines

Batch 1

Katherine: Di nyo pa ba nababalitaan ang good news? Ako ang nakabili ng major stocks ng Dela Rhea Company. Kaya kung ako sayo, sasanayin ko na ang sarili ko na tawagin akong ma’am! Sya nga pala, gusto ko tuwing papasok ako ng office gusto ko ipagtitimpla mo ako ng kape… yung black… veeerryyy black… simpait ng buhay na ipalalasap ko sayo!
Scarlett: Go to hell… go to hell… go to hell!!!
Katherine: I’ll see you there!!! Hahahahaahaha

“You’re in love with somebody else, and that somebody else is not worth it, Rafael.” – Estelle

“Magsi-swimming ka lang, naka-diamonds ka pa” – Estelle
“Siyempre, diamonds are forever, like me!” – Katherine

“Ang ganda-ganda mo na ngayon Katherine, sarap mong patayin!” – Isadora

“Kung gaano ka katayod lumipad, ganun ka rin kabilis lalagapak. Ouch!” – Isadora

“Look who’s here, my favorite step-mother. Ang dating gold digger in red, isa na ngayong merry widow in black… Ha! Kung sa bagay mas bagay sayo yang itim, kakulay ng budhi mo!” – Scarlet

“Bakit ka nga ba nakaputi? Para pagtakpan ang mas maitim mong budhi?” – Katherine

“Ikaw ba, totoong nagdadalamhati ka? Kasi napansin ko, kaya mong mag-biro. Kaya lang ang corny mo! Anyway, gusto ko lang malaman mo na lahat nang ‘to, hindi ‘to permanente. Lahat nang iyan, babawiin ko iyan sa ‘yo!” – Scarlet

“Sige! Maglaro tayo, agawan ng yaman! Pero kung ako sa’yo, kakabahan ako, kasi ako sanay sa hirap. Eh ikaw?” – Katherine

“Gusto mo ikaw ang itali ko? Pasweet sweet ka pa diyan, ganid ka rin pala!” – Isadora

“Ang bigat naman ng salitang ‘yon Isadora, pero totoo, oo ganid ako! At gusto ko, ni singko walang matira sa’yo! Kaya manginig ka na Isadora, dahil uubusin ko ang lupang tinatapakan mo!” – Katherine

“Iba na ang sitwasyon ngayon Isadora. Marami akong pera, kaya ko nang bilhin ang kahit na ano. Kahit ikaw, magkano ka ba?” – Katherine
“Hayop ka! Kahit kelan hindi mo ako mabibili, at hindi mo ako kayang bilhin!” – Isadora
“Sabagay, ayoko sayo. Mumurahin ka eh, pero yung anak mo ibebenta mo ha. Sige na, promise hindi ako tatawad. Kahit used goods na, ok lang. Pag-isipan mo.” – Katherine

“Pagod ako. Huwag kang loloko-loko. Baka gusto mo ihampas ko tong bag kong mas mahal pa sa’yo!” – Katherine
“Sabagay, ako rin eh, pagod makipaghampasan. Next time, ok? In fairness ah, ang ganda ng damit mo. Pahiram minsan ha.” – Isadora

“Pakisabi sa bisita mo, ayoko ng nangangamoy basura ang bahay ko.” –Katherine

“Anak ka nga talaga ni Isadora, nakuha mo lahat sa kanya. Mata-pobre, mayabang, at higit sa lahat, bastos!” – Katherine
“Don’t you dare say bad things about my mother, kumpara sa ‘yo. anghel ang ina ko!” – Sophia
“Anghel na may sungay!” – Katherine
“Oo, may sungay. Para suwagin ka! Para mauna ka na sa impyerno!” – Sophia
“Hmm. Matagal-tagal na kayong inaantay dun. In fact, balita ko, si satanas mismo ang sasalubong sa inyong mag-ina!” – Katherine

Batch 2

“Panandaliang donya, habang buhay na busabos.” – Lola Aura

“Mamamatay tao ka! You killed my father!” – Scarlet
“Kung may gusto kong patayin, ikaw yun Scarlet!” – Katherine

“Luluhod ka sa harapan ko at magmamakaawa ka na tanggapin kita ulit!” – Scarlet
“Kumain ka na. Gutom lang yan!” – Miguel

“Oh aren’t you excited to see me?” – Isadora
“Excited? Alam mo bang mas excited pa akong magpunta ng dentista at mag pa root canal kesa ang makaharap ka?” – Scarlett
“Ikaw naman, nagpapaka-funny. Kung ang lahat ng bulok na ngipin ay kasing ganda ko, o di wala ng bibili ng toothpaste… I’m so witty” – Isadora
“Ano ba talagang pakay mo? I’m sure hindi naman ang kapakanan ng dental industry ang pinunta mo dito di ba? Business? Monkey business?” – Scarlett
“Oo, at napaka disenteng monkey business. Politics.” – Isadora

“Ba’t mo ko sinampal, biyanan mo ko!” – Isadora
“Di lahat ng biyanan, pinagbibigyan, Di lahat ng biyanan pinapatulan! para yan sa mga biyenang bakulaw tulad mo!” – Scarlet

“Same to you anak, remember? Pareho na tayong nasasadlak ngayon. Damn you, damn me. Karma’s a bitch, and so are we…” – Scarlett

ISADORA: Ano na namang gimik to ha?
MANANG: Mam, aalis na rin po ako dito… ilang buwan na ding hindi niyo po ako sinesweldohan eh
ISADORA: Aba! ang kapal ng mukha mo, wala kang utang na loob.. ha? so pano? pera-pera nalang, hindi mo ba naisip na kinuha kita galing sa bundok, binihisan at nakatikim ng CORNED BEEF dahil sa akin… ha..
MANANG: Eh wala na rin po akong makain dito…
ISADORA: Hoy, anong wala? Eh Diba, diba kayo ang umuubos ng grocery go? ha? diba? kapal ng mukha nito, tapos ngayon magmamalaki-malaki ka na? sige! gusto mong lumayas sige… lumayas ka! layas! huwag ka nang babalik dito, layas..

Batch 3

Aura: Kung ako sa iyo, magbalot-balot ka na, at malapit ka nang mapatalsik sa Amadesto
Isadora: Kahit kelan di mo ako mapapaalis sa Amadesto. Aking ang lupang iyon…
Aura: Lupa lang ba ang gusto mo?
Ilang paso ang gusto mo?
Isadora: Haciendera ako Aura, hindi hardinera…
Isadora: Isa ka lang dumi sa paningin ko.
Aura: Tandaan mo, balang araw, itong dumi na ito ang pupuwing sa iyo
Isadora: Eh di magsi-shades ako

Scarlet: Katherine.. Katherine di pa tayo tapos… lalabanan kita , sinisigurado kong walang judge ang sinumang maniniwala sayo dahil sirang sira na yang reputasyon mo! “your just a WHORE !”
Katherine: Whore? oh, Scarlett? Ako whore? at least ako di ko kailangan magbayad ng 2 million pesos para lang may makipagdate sa akin, nung una si Miguel binili mo, ngayun naman si Rafael…
Scarlet: Walang hiya ka!
Katherine: Mas walang hiya ka!
Scarlet: Home-wrecker!
Katherine: Adulteress!
Scarlet: black widow!
Katherine: Slut!
Scarlet: Social Climber!
Katherine: Desperate housewife from hell!

(Isadora talking to a bloodied AND PRESUMABLY DEAD Aura who just fell from a flight of stairs from their house) “Aura… Aura!!!! Hoy! Wag mo nga akong artehan… Di naman ganon kataas ang hagdan mo!” –Isadora

“Huwag mo nga akong i-interrogate diyan na parang pinapakain mo ako!” – Isadora to Miguel

“Wala akong panahong makipag-Balagtasan sa iyo Catherine… hindi mo ba alam na tapos na ang linggo ng wika? wala bang nakapag-abiso sa iyo?” – Isadora

Credits to Chop.

One thought on “Iisa Pa Lamang Lines

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s